Grabe noh andaming magaganda sa paligid, nakakamangha lang! Kapag nagtritripan kong magpunta kung san san ang dami kong nakikita, tulad nalang sa mga sasbihin kong mga lugar mamaya. Nalagyan ko na nga ng mga levels ang mga lugar lugar. Tulad nalang sa SMBicutan ay level 1 kasi konti lang ang magaganda doon, level 50 sa Marketmarket kasi biglang dami ang magaganda doon, level 90 sa Glo kase naman ang daming pinalaki ni mommy sa lugar na yon lalo na sa GreenBelt na level 95 at madami pang lugar. Pati nga sa mga schools, pero wag na nating imentions yung mga yon dahil ’matic na yan uulan ng all girl schools. Pero kung tutousin iilan lang ang may mga magagandang kalooban. ‘Yung iba jan sa sobrang ganda wala nang natira sa ugali, pero mas ok na ‘yon kesa maging combo ka, panget na panget pa ugali. Wish ko lang sana, sa dinami dami nila may mga natira pang ganda para sa ugali, pag-iisip at pakikitungo nila sa iba.
Ang dami jan eh nagpapaganda pa eh maganda naman, kung sa tingin mo pangit ka, tanungin mo nanay mo. Sure ako sagot niya maganda ka. Kitamo! Pero hindi naman sa ganda ng itsura dapat tayo tumingin diba. Minsan sa mundong to masyado tayong tumutingin sa mundo, sa mundo lang mismo at nakaklimutan nating tumingala. Tara tumingala tayo, tumingala tayo kay Jesus. Gusto mo bigyan kita ng dahilan para tumingala kay Jesus? Ikaw kailangan mong magpaganda para mainlove sayo ‘yung type mong guy or girl, pero si Jesus iba siya, hindi mo kailangan magpaganda, kasi si Jesus hindi naman tumitingin sa pisikal mong itsura, ang titignan niya ang puso mo at kahit gano pa kadumi yan, mamahalin ka niya. Bibigyan ka pa niya ng bagon heart, para yung dati mong heart na yan, na pinamigay mo kung kani kanino at basag basag na ay mapalitan.
Ang mahirap lang sa mundong ‘to, duon tayo nakatutok, ang chine-check natin eh ang porma natin ayan tayo sa pasikat na may pa english and check grammar pa siguro panahon na, maybe it’s time to check our hearts. Tara maging totoong maganda tayo.